MANILA, Philippines - Dapat na iboykot si Justice Secretary Leila de Lima dahil sa pagpapaalis nito sa dalawang press office ng mga reporter na kumokober sa Department of Justice (DOJ).
Iminungkahi ng dating mamamahayag na si Agham party list Rep. Angelo Palmones, dating radio broadcaster at Eastern Samar Rep. Ben Evardone na dating manunulat ng isang broadsheet newspaper na huwag ng i-kober pa si Sec. De Lima dahil sa pagpapaalis nito sa Justice Reporters Organization (JUROR) at Justice and Court Reporters Association (JUCRA).
Ayon kay Palmones, lahat ng mga pangunahing ahensiya ng gobyerno tulad ng Malakanyang ay may press office kung saan maaaring manatili ang media at malayang makapag-cover.
Hindi rin umano balidong rason na banta sa seguridad ang pananatili ng media sa paligid ng DOJ tulad ng pinalulutang ng Nationall Intelligence Coordinating Agency (NICA).
Giit naman ni Evardone, na ang ginawa ni De Lima ay pagsikil sa kalayaan ng pamamahayag kaya’t dapat itong kondenahin.