^

Bansa

De Lima pinabo-boykot

- Gemma Amargo-Garcia - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Dapat na iboykot si Justice Secretary Leila de Lima dahil sa pagpapaalis nito sa dalawang press office ng mga reporter na kumokober sa Department of Justice (DOJ).

Iminungkahi ng dating mamamahayag na si Agham party list Rep. Angelo Palmones, dating radio broadcaster at Eastern Samar Rep. Ben Evardone na dating manunulat ng isang broadsheet newspaper na huwag ng i-kober pa si Sec. De Lima dahil sa pagpapaalis nito sa Justice Reporters Organization (JUROR) at Justice and Court Reporters Association (JUCRA).

Ayon kay Palmones, lahat ng mga pangunahing ahensiya ng gobyerno tulad ng Malakanyang ay may press office kung saan maaaring manatili ang media at malayang makapag-cover.

Hindi rin umano balidong rason na banta sa seguridad ang pananatili ng media sa paligid ng DOJ tulad ng pinalulutang ng Nationall Intelligence Coordinating Agency (NICA).

Giit naman ni Evardone, na ang ginawa ni De Lima ay pagsikil sa kalayaan ng pamamahayag kaya’t dapat itong kondenahin.  

AGHAM

ANGELO PALMONES

AYON

BEN EVARDONE

DE LIMA

DEPARTMENT OF JUSTICE

EASTERN SAMAR REP

JUSTICE AND COURT REPORTERS ASSOCIATION

JUSTICE REPORTERS ORGANIZATION

JUSTICE SECRETARY LEILA

NATIONALL INTELLIGENCE COORDINATING AGENCY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with