Hepe ng RATS sinibak!
MANILA, Philippines - Sinibak na ang dating Customs Deputy Commissioner at executive director ng Run After The Smugglers (RATS) habang isusunod na ang pitong staff nito.
Inihayag ito ni BOC Commissioner Ruffy Biazon para pabulaanan ang alegasyon na hindi umano nito ipinatupad ang utos ng Malacañang na alisin ang walong kawani ng BOC na sangkot umano sa extortion.
Nagpalabas ng kautusan ang Palasyo na sibakin sa tungkulin si Gregorio Chavez, dating BOC deputy commissioner at executive director ng RATS, at ang pitong staff nito na sina Christopher Dy Buco; Edgar Quinones; Francisco Fernandez Jr.; Alfredo Adao; Jose Elmer Velarde; Thomas Patrick Relucio at Jim Erick Acosta, matapos masangkot umano ang mga ito sa pangongotong ng P10 million sa Sanyo Seiki Steel Corp.
Nasa floating status na ang pito at patuloy na nagre-report dahil ang mga ito ay nasa plantilya ng BOC, na cover ng security of tenure at naka-pending pa ang kanilang apila sa Malacañang.
Tiniyak ni Biazon na kapag may final judgment na ang Palasyo laban sa pitong miyembro ng RATS, kaagad niyang ipatutupad ang dismissal order sa mga ito.
Tiwala pa rin si Biazon na kahit tuluyan nang masibak sa tungkulin ang mga ito ay dapat may sense of responsibility at loyal pa rin ang mga ito sa kanilang duty kahit hindi na sila konektado sa nabanggit ahensiya.
- Latest
- Trending