MANILA, Philippines - Nasabat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang may 332 plastic bags na naglalaman ng may 5,000 pirasong eel o ‘igat’ fingerlings na nakapaloob sa 46 kahon at nagkakahalaga ng may P2 million na ipupuslit palabas ng bansa papuntang Hongkong sakay ng Cathay Pacific flight CX 904 kahapon.
Sinabi nina BFAR officials Ben Curativo at Juliet Guevarra na dakong alas-3:45 ng umaga nagsasagawa sila ng routine check sa Miascor warehouse malapit sa NAIA ng makita nila ang 46 boxes na iniwanang nakatiwang-wang ng may-ari ng makita silang papalapit.
Napag-alaman na may 949 kilo ang elvers na may halagang P22,000/kilo. Ang mga nakumpiska ay galing sa Cagayan.
Ayon sa dalawa, iniwan lamang sa shipper na Expertrans ang mga epektos ng magtanong sila kung sino ang may-ari ng mga ito.