^

Bansa

P2-M 'eel' nasabat sa NAIA

- Butch M. Quejada - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Nasabat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang may 332 plastic bags na naglalaman ng may 5,000 pirasong eel o ‘igat’ fingerlings na nakapaloob sa 46 kahon at nagkakahalaga ng may P2 million na ipupuslit palabas ng bansa papuntang Hongkong sakay ng Cathay Pacific flight CX 904 kahapon.

Sinabi nina BFAR officials Ben Curativo at Juliet Guevarra na dakong alas-3:45 ng umaga nagsasagawa sila ng routine check sa Miascor warehouse malapit sa NAIA ng ma­kita nila ang 46 boxes na iniwanang nakatiwang-wang ng may-ari ng makita silang papalapit.

Napag-alaman na may 949 kilo ang elvers na may halagang P22,000/kilo. Ang mga nakumpiska ay galing sa Cagayan.

Ayon sa dalawa, iniwan lamang sa shipper na Expertrans ang mga epektos ng magtanong sila kung sino ang may-ari ng mga ito.

AYON

BEN CURATIVO

BUREAU OF FISHERIES AND AQUATIC RESOURCES

CATHAY PACIFIC

EXPERTRANS

JULIET GUEVARRA

MIASCOR

NAPAG

NASABAT

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with