Red alert sa La Mesa Dam tinanggal na

MANILA, Philippines - Inasahang magbabalik na sa normal ang operasyon ng La Mesa Dam sa lungsod Quezon matapos na alisin na sa red alert ang kalagayan ng tubig nito kahapon.

Ayon kay La Mesa Dam headworks mana­ger Engr. Teddy Angeles, ibinaba na nila sa yellow alert status ang naturang dam matapos na bumaba sa 79.50m o mababa na ng 65 centimeter sa overflow level na 80.15 cm ang tubig nito.

Dahil gumaganda na ang panahon, sabi pa ni Angeles, inaasahang bababa na sa normal ang level ng tubig dito.

Nitong nakaraang Martes ay itinaas sa red alert status ang dam dahil sa patuloy na pag-ulan na naging dahilan ng pagtaas ng level ng tubig na muntik ng umabot sa overflow level.

Inalis na rin ng La Mesa dam ang rekomendasyon ng paglilikas sa mga residente.

Show comments