'Uling' isyu demolition!
MANILA, Philippines - Pinabulaanan ng Harbour Centre Port Terminal (HCPT) na pag-aari nila ang mga inangkat na uling na nakatambak sa marine slipway ng Pier 18 sa North Harbor.
Ayon sa kumpanya, bahagi umano ng demolisyon sa kanila ang “mapanlinlang” na mga litrato na lumabas sa ilang pahayagan patungkol sa mga uling dahil labas na ito sa hurisdiksyon ng HCPT na matatagpuan naman sa loob ng Manila Harbor Centre (MHC).
“That area and its stockpile of coal are neither part of the HCPT nor owned and being operated by the HCPT.
“Our facility is situated inside an exclusive industrial complex and almost five kilometers from the nearest residential area. The impact of our coal handling and storage operations on the residents of Vitas, if any, is absolutely nil,” pahayag ng HCPT.
Istrikto umano sila sa pagsunod sa mga batas at regulasyon na ipinatutupad ng mga ahensiya ng gobyerno para sa kanilang “bulk” at “breakbulk cargo handling operation” at patunay nito ay ang kanilang permiso (COR-PTO No. 389) mula sa Philippine Ports Authority (PPA), sanitary permit (009-HD-I-2012-1584) mula sa Manila City go vernment at mga permiso mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), sa ilalim ng ECC-NCR-0002-0029-215 at PTO No. 12-POA-A-133901-057.
Bukod dito, may ISO (International Standard Organization) 9001 at ISO 14001 (environmental management) certificates din ang HCPT na dagdag umanong patunay sa mataas na pamantayan nito sa pamamahala ng pasilidad na may pagkilala sa buong mundo.
Ipinaliwanag din ng HCPT ang pagpapatupad nila ng ‘5-day-stay-rule,’ kung saan mayroon lamang limang araw ang kanilang mga kliyente na mailabas sa kanilang pasilidad ang kanilang mga kargamento batay pa rin sa mahigpit na rekisitos nila sa ‘discharging and delivery’ na aprubado ng mga ahensiya ng gobyerno.
Hinala ng kumpanya, ilang mga “inggiterong” kalaban nito sa negosyo ang nasa likod ng mga paninira sa kanila, bagaman tumanggi itong magbigay pa ng detalye.
Patungkol sa mga inaangkat na uling, nilinaw pa ng HCPT na pag-aari ito ng mga malalaking kumpanya at industriya bilang panggatong sa kanilang produksyon ng semento, kuryente at iba pa.
- Latest
- Trending