Manila, Philippines - Nilagdaan na ni Pangulong Aquino ang bagong mining policy ng bansa at nakatakdang ilabas sa Lunes, Hulyo 9 ang executive order (EO) tungkol dito.
Kinumpirma ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda ang pagkakalagda sa EO pero tumanggi umano itong talakayin at kung ano ang numero nito.
Ayon kay Lacierda, ipapaubaya nila kay Environment Secretary Ramon Paje ang pagpapaliwanag tungkol sa nasabing EO sa gagawing briefing sa Lunes.
Aminado si Lacierda na maraming nasa mining industry at environmentalists ang nag-aabang ng nasabing bagong mining policy ng gobyerno.
Ilang beses nang naantala ang pagpapalabas ng bagong EO at pinabalik pa ng Pangulong Aquino ang draft sa tanggapan ni Executive Sec. Jojo Ochoa bago tuluyang pinirmahan.