^

Bansa

Liquor ban sa Caloocan epektibo

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Naging epektibo ang ipinatutupad na liquor ban sa Caloocan City na nagbabawal sa mga residente na uminom ng anumang nakalalasing na inumin sa kalsada kung saan ay 12 katao lamang ang nahu­ling lumabag sa ipinaiiral na ordinansa sa naturang lungsod.

Sa nakarating na ulat sa tanggapan ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri mula kay Chief of Police Sr. Supt. Jude Wilson Santos, simula noong January hanggang June ay 12 katao lamang ang nakasuhan ng paglabag sa ordinance no 0937 series of 2005 na nagbabawal sa pag-inom ng anumang nakalalasing na inumin sa kalsada sa buong lungsod.

Ang mga nahuling re­sidente na umiinom sa kal­sada ay kinasuhan ng pulisya sa piskalya ng Caloocan City na bukod sa pagmumulta ay makukulong pa ang mga ito ng dalawa hanggang isang taon depende sa magiging desisyon ng korte.

Layon ng ordinansa na malimitahan ang mga nangyayaring gulo sa mga kalsada dahil sa pagkalango sa alak ng mga residente. Papayagan lamang ang mga residente na uminom sa kalye sa mga espes­yal na okasyon tulad ng birthday, baptismal, wedding, wedding anniversary, pasko, bagong taon ngunit kinakailangan pa ring kumuha ng permiso sa barangay na nakakasakop sa kanilang lugar isang linggo bago ang pagdiriwang.

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY MAYOR ENRICO

CHIEF OF POLICE SR. SUPT

ECHIVERRI

JUDE WILSON SANTOS

LAYON

PAPAYAGAN

RECOM

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with