E-passport nilinaw
MANILA, Philippines - Nilinaw ni Department of Foreign Affairs Undersecretary Jet Leda na dumaan sa tamang proseso ng public bidding ang sinasabing multi-million peso e-passport deal na pinasok ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa DFA.
“There’s no conflict between the BSP and DFA. The e-passport project has always gone through a transparent process. All procedures dinaanan sa tamang process. Patuloy po ito sa regular procurement, bidding of supplies and services,” sabi pa nito sa isang radio interview.
Nanindigan si Leda na walang anomalya sa naturang proyekto dahil ito ay isang importanteng serbisyo-publiko.
Sinasabing ang French firm na Oberthur Technologies ang nakakuha umano ng kontrata bilang supplier ng electronic cover (e-cover) ng passport kung saan nakalagay ang microchip na naglalaman ng impormasyon ng passport holder gaya ng name, date at country of birth.
Nauna rito, ibinunyag ng “Concerned BSP employees” ang umano’y iregularidad sa multi-milyong pisong passport deal na pinasok ng Bangko Sentral sa DFA.
Sa kanilang 6-pahinang sulat, hiniling ng grupo kay BSP Gov. Amando Tetangco Jr. na maglunsad ng malalimang imbestigasyon para malantad ang katotohanan tungkol dito.
Ipinadala na rin ang sulat kay Ombudsman Conchita Carpio Morales para sa kaukulang aksyon.
- Latest
- Trending