^

Bansa

Koalisyon ng LP, NPC at NP 'done deal' na

Nina - Rudy Andal/Malou Escudero - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Kinumpirma kahapon ni Pangulong Aquino na binubuo na ang koalis­yon sa pagitan ng Libe­ral Party (LP), Nationalist People’s Coalition (NPC) ni Danding Cojuangco at Nacionalista Party (NP) ni Sen. Manuel Villar Jr.

Sinabi ng Pangulo na wala siyang pagtutol sa magiging koalisyon ng LP sa ibang partido kaugnay sa nalalapit na 2013 midterm elections.

Aniya, naging ma­ta­gumpay ang pakikipag-usap ng LP para sa koalis­yon nito sa NPC at NP.

Si LP president DOTC Sec. Mar Roxas ang mag-aanunsiyo ng magiging resulta ng usapan kaugnay sa pagsasanib ng tatlong partido.

Kabilang sa mga po­sibleng kandidato ng administrasyon para sa senatorial race sina TESDA director-general Joel Villanueva ng CIBAC, Customs Commissioner Ruffy Biazon ng LP, dating Akbayan Partylist Rep. Rissa Hontiveros, Aurora Rep. Sonny Angara ng LDP, dating Las Piñas Rep. Cynthia Villar ng NP, Sen. Loren Legarda ng NPC, Sen. Koko Pimentel ng PDP-Laban at Sen. Chiz Escudero.

AKBAYAN PARTYLIST REP

AURORA REP

CHIZ ESCUDERO

CUSTOMS COMMISSIONER RUFFY BIAZON

CYNTHIA VILLAR

DANDING COJUANGCO

JOEL VILLANUEVA

KOKO PIMENTEL

LAS PI

LOREN LEGARDA

MANUEL VILLAR JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with