LTFRB officials pinagbibitiw ni Roxas
MANILA, Philippines - Hinamon ni DOTC Secretary Mar Roxas ang mga opisyal ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na mag-resign sa lalong madaling panahon kung patuloy nilang igigiit na legal ang kanilang pagbuhay sa matagal nang expired na prangkisa ng Pantranco bus company.
Nauna rito, ipinatigil ni Roxas ang pagbenta ng 489 franchise ng Pantranco sa Luzon Cisco Transport, Bataan Transit, First North Luzon Bus Co. and Pangasinan Five Star at Victory Liner na pawang pag-aari ng pamilya Hernandez.
Ayon kay Roxas, paulit-ulit nang inamin ng LTFRB na patay na ang Pantranco franchise noon pang 1993 kaya hindi na ito puwedeng ilipat, ibenta o ipagamit sa ibang kompanya ng bus.
Tahasang sinabi ni Roxas na “Lazarus franchise” o matagal nang bangkay ang Pantranco nang magpasya sina Board Members Manuel Iway at Samuel Garcia na ipagbili ito sa mga kompanya ng bus.
Si LTFRB Chairman Jaime Jacob naman ay hindi bumoto sa naturang desisyon subalit nagwagi ang majority votes.
Pinasalamatan naman ng mga nagreklamong GV Florida Lines, Dagupan Bus Lines, Saulog Transit, Partas at Baliwag Transit ang naging desisyon ni Roxas.
- Latest
- Trending