NPA itutulak si Casiño sa LP

MANILA, Philippines - Aktibo sa pag-atake ang New People’s Army para mapilitan si Pa­ngulong Aquino na kunin sa senatorial ticket ng administrasyon si Bayan Muna Rep. Teddy Casino.

Sinabi ni ANAD Rep. Pastor Alcover Jr., dating kasapi sa NPA, na maraming krimen na ginagawa ang komunistang grupo sa mga probinsya gaya ng pagsusunog ng mga construction equipment upang mapasunod ang Pangulo.

“The order of the Communist Party chief is to strike at least per week they have to attack, in order for the president to bow down because they have demands,” sabi ni Alcover.

Ang gusto umanong mangyari ng CPP ay makapasok sa gobyerno upang masira nila ito mula sa loob.

“In fact they are demanding for Teddy Casino representing the Maka­bayan party, which is a Maoist communist party front, to be part of the team of the senatorial ticket of the Liberal Party yun ang banat nito ngayon susugan yung atake para si PNoy mag-bow down kunin sila in the name of peace.”

Bahagi umano ng plano ng CCP ang pagpasok sa gobyerno, “you join the government to destroy the government. You use democracy to destroy democracy. I know that because I came from them, mga kasama ko sila noon eh.”

Si Casino ay nasa ikatlo at huling termino na bilang kongresista ng Bayan Muna partylist.

Show comments