^

Bansa

2M bakawan itinanim vs climate change

- Gemma Amargo-Garcia - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Mahigit sa dalawang milyon bakawan o mangrove ang itinanim sa iba’t ibang coastal areas sa Quezon upang malabanan ang patuloy na paglala ng climate change.

Pinangunahan ni Quezon Governor David “jay-jay” Suarez ang paglulunsad ng “Quezon’s 2 in 1” o ang pagtatanim ng 2 milyon bakawan sa loob lamang ng isang araw sa may 1,066 kilometrong coastal area ng lalawigan ng Quezon kabilang na dito ang baybayin ng Tayabas Bay, Lamon Bay at Ragay gulf.

Ang nasabing programa ay nilahukan ng mga opisyal at residente mula sa 34 munisipalidad ng lalawigan at mga opisyal mula sa ibat ibang ahensya ng gobyerno tulad ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), Department of Education (DepEd), LIga ng mga Barangay, Sangguniang Kabataan, DSWD, National Commission  on Indigenous People at Kalipunan ng Liping Pilipina.

Ayon kay Suarez, ang pagtatanim ng mangrove ay makapipigil sa posibleng pagguho ng lupa gayundin mapoprotektahan nito ang marine ecosystem dahil dito maninirahan  at nagpaparami ng mga isda.

Maglalaan naman ng P300,000 si Suarez sa barangay na mapipili dahil nakapagpalago ang mga ito ng bakawan o mangrove.

vuukle comment

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

DEPARTMENT OF EDUCATION

INDIGENOUS PEOPLE

LAMON BAY

LIPING PILIPINA

NATIONAL COMMISSION

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

QUEZON

QUEZON GOVERNOR DAVID

SUAREZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with