La Mesa Dam nasa red alert
MANILA, Philippines - Isinailalim sa red alert status ang La Mesa Dam sa Quezon City kahapon ng umaga dulot ng patuloy na pag-uulan.
Bunsod nito, pinayuhan ni Engr. Teddy Angeles, headworks manager ng La Mesa dam, na lisanin pansamantala ang tahanan na nakatira malapit sa naturang dam para makaiwas sa anumang panganib at banta ng flashflood doon makaraang tumaas ang water level sa 79.52 meters, malapit na sa spilling level na 80.15 meters.
Pinayuhan na rin ni Angeles ang mga residente ng Fairview, QC at mga taga Malabon at Valenzuela na magsialis pansamantala sa mas ligtas na lugar para makaiwas sa anumang peligro.
Samantala, binuksan na ng management ng Ipo Dam sa Bulacan ang dalawang gate nito para magpakawala ng tubig matapos umabot ang water level sa 101.75 meters, na mas mataas sa normal water level na 100.5 meters.
Inalerto naman agad ng Ipo Dam ang local government units sa Norzagaray, San Rafael, Bustos, Baliuag, Plaridel, Angat at sa Calumpit bago pa nagpakawala ng tubig.
- Latest
- Trending