MANILA, Philippines - Aminado ang liderato ng Kamara na wala silang panahon para sa Charter Change o “Cha-cha” dahil mayroon mas importanteng panukalang batas silang pagkakaabalahan ngayong ilang araw na lamang ang natitirang sesyon ng 15th Congress bago ang eleksyon sa susunod na taon.
Ayon kay House Majority leader Neptali Gonzales II, kabilang umano sa dapat na unahing talakayin sa kongreso ay ang P2.006 Trilyong budget para sa 2013.
Para naman kay Misamis Occidental Rep. Loreto Ocampos, chairman ng House Committee on Constitutional Amendments na masyado nang kakapusin ang oras upang amyendahan ang ilang probisyon sa konstitusyon dahil sa naging kaganapan nitong bago magkalagitnaan ng taon.
Ang pahayag ng mga mambabatas ay bunsod sa pahayag ni Senate President Juan Ponce Enrile na dapat isulong ang Charter Change upang mabigyang prayoridad ang military spending sa national budget.