^

Bansa

Kamara walang panahon sa Cha-cha

- Gemma Amargo-Garcia - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Aminado ang liderato ng Kamara na wala silang panahon para sa Charter Change o “Cha-cha” dahil mayroon mas importanteng panukalang batas silang pagkakaabalahan ngayong ilang araw na lamang ang natitirang sesyon ng 15th Congress bago ang eleksyon sa susunod na taon.

Ayon kay House Majority leader Neptali Gonzales II, kabilang umano sa dapat na unahing talakayin sa kongreso ay ang P2.006 Trilyong budget para sa 2013.

Para naman kay Misamis Occidental Rep. Loreto Ocampos, chairman ng House Committee on Constitutional Amendments na masyado nang kakapusin ang oras upang amyendahan ang ilang probisyon sa konstitusyon dahil sa naging kaganapan nitong bago magkalagitnaan ng taon.

Ang pahayag ng mga mambabatas ay bunsod sa pahayag ni Senate President Juan Ponce Enrile na dapat isulong ang Charter Change upang mabigyang prayoridad ang military spending sa national budget.  

AMINADO

AYON

CHARTER CHANGE

CONSTITUTIONAL AMENDMENTS

HOUSE COMMITTEE

HOUSE MAJORITY

LORETO OCAMPOS

MISAMIS OCCIDENTAL REP

NEPTALI GONZALES

SENATE PRESIDENT JUAN PONCE ENRILE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with