^

Bansa

Magsasaka ikonsidera sa buwis sa tabako

- Gemma Amargo-Garcia - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Hinikayat ng isang mambabatas ang mga senador na ikunsidera ang kapakanan ng mga magsasaka bago ipasa ang panukalang magtataas sa buwis na ipapataw sa mga produktong tabako.

Nangangamba si Zambales Rep. Ma. Milagros Mag­saysay na magdudulot ng malaking dagok at pagkaparalisa sa industriya ng tabako ang 708 porsi­yentong pagtaas sa excise tax.

Sang-ayon ang kongresista na maaaring mauwi sa pagbagsak ng may 50 porsiyento sa industriya ng tabako­ kung maipapasa ang bersyon ng Kamara sa pagdaragdag ng buwis sa produktong sigarilyo at alak.

Bukod dito posibleng mamayagpag din umano ang smuggling ng mga imported na sigarilyo at alak dahil sa pagtaas ng presyo ng lokal na sigarilyo.

Una ng nagpahayag ng pagtutol dito sa pagdinig ng Kamara si Blake Dy, vice president ng Associated Anglo American Tobacco Corporation (AAATC) sa pagsasabing malaki ang posibilidad na mas tangkilin ng mga naninigarilyo ang mga murang produkto kahit ito ay puslit.

Idinagdag pa nito na seryoso ang kakaharaping suliranin ng pamahalaan tungkol dito dahil pipilayin nito ang lehitimong merkado sa sigarilyo at ang pinakamalala umanong maaaring mangyari ay magsara ang maraming pagawaan ng sigarilyo  sa bansa na nangangahulugang marami ang mawawalan ng trabaho.

AMERICAN TOBACCO CORPORATION

ASSOCIATED A

BLAKE DY

BUKOD

HINIKAYAT

KAMARA

MILAGROS MAG

ZAMBALES REP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with