OAV registration center itatayo
MANILA, Philippines - Takdang lagdaan ng Department of Foreign Affairs at ng Commission on Elections ang isang memorandum of agreement para sa pagtatayo ng isang overseas absentee voting registration center sa Parañaque.
Lalagdaan sa Lunes, Hulyo 2, ang MOA na nauukol sa paglikha ng isang OAV registration center sa ikalawang palapag ng Courtesy Lane Secton ng Office of Consular Affairs (DFA-OCA) sa ASEANA Business Park, Macapagal Avenue cor. Bradco Avenue sa Barangay Tambo, Parañaque City.
Umaasa ang center na ito na mahikayat ang mga OFW na lumahok sa halalan sa susunod na taon sa pamamagitan ng pagpaparehistro bilang overseas absentee voters.
Nabatid sa DFA na, hanggang sa kasalukuyan, 88,500 Pilipino ang nagparehistro bilang bagong overseas absentee voter sa iba’t ibang embahada at konsulado ng Pilipinas.
- Latest
- Trending