^

Bansa

5K campaign makakatulong sa Food Security program ng bansa

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Bilyon-bilyong piso ang matitipid sa produksyon ng bigas kapag puspusang isasakatuparan ang organic farming sa 4.46 milyon hektarya ng taniman ng palay sa bansa.

Ito ang pananaw ng Yes Pinoy Foundation (YPF), Linksapinoy (links) at Sangguniang Kabataan (SK) mula sa kanilang tambalan sa pagpapasikad ng 5K Campaign o tinaguriang Kalayaan ng Kabataan mula sa Kagutuman, tungo sa Kasaganahan.

Nangako naman ang SK Central Luzon na bibitbitin ang 5K campaign sa naturang rehiyon sa paraan ng pagpopondo sa bawat ektaryang sakahan sa kada barangay para sa kapakinabangan ng mga magsasaka.

Bilang kapalit na suporta, ang mga mabibiyayaang magsasaka ay magkakaloob ng kanilang ani sa SK, na ilalaan naman ng mga kabataan sa malawakang feeding program para sa mga batang nagugutom.

Nangako naman ang YPF, bilang co-beneficiary ng 5K Campaign, sa pangunguna ni Jose Sixto “Dingdong” Dantes III, tagapangulo ng YPF at TV personality, na isasama sa kanilang programa ang pagkakaloob ng scholarships sa mga natatanging estudyante na may hangarin na mag-aral sa kursong nakabatay sa pag-agrikultura.

Lumalabas sa pag-aaral na patuloy na bumababa kada taon ang bilang ng mga mag-aaral na kumukuha ng kursong agrikultura na 3.2 % lamang sa kabuuang 1.4 milyong enrollees habang umuunti din ang bilang ng magsasaka sa bansa. 

vuukle comment

BILANG

BILYON

CENTRAL LUZON

DANTES

JOSE SIXTO

KABATAAN

NANGAKO

SANGGUNIANG KABATAAN

YES PINOY FOUNDATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with