^

Bansa

Pag-award sa Pantranco franchise, pinigil ni Roxas

- Butch M. Quejada - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Sinuspinde ni Transportation and Communications Secretary Mar Roxas ang desisyon ng Land Transportation Franchi­sing and Regulatory Board (LTFRB) na ibigay ang patay nang prangkisa ng nagsarang Pantranco sa mga kompanya ng bus na pag-aari ng isang pamilya.

Inatasan ni Roxas ang LTFRB na huwag ipatupad ang kanilang May 21, 2012 decision na nagbebenta sa pamilya Hernandez ng 489 franchises.

Nauna rito, inamin ng LTFRB sa House Committee on Transportation na expired na ang prangkisa ng Pantranco North Express, Inc. noon pang 1993 kaya imposible na itong maipagbili sa ibang kompanya.

Kabilang sa mga binigyan ng Pantranco franchise ang Five Star, Bataan Transit, Victory Liner, Cisco Lines at First Luzon na pawang pag-aari ng Hernandez family.

Sa reklamong ipinadala sa opisina ni Roxas ng Dagupan Bus Lines, Partas Lines, Saulog Transit, GV Florida at Baliwag Transit, sinabi nilang lantarang paglabag sa Public Service Law ang ginawa ng LTFRB.

Pinasalamatan ng North and Central Luzon bus operators si Roxas dahil sa maagap na pagkilos nito.

Kaugnay nito, nagsumite ng resolution si Agham partylist Rep. Angelo Palmones para simulan ng House Committee on Transportation ang pag-iimbestiga sa desisyon ng LTFRB.  

ANGELO PALMONES

BALIWAG TRANSIT

BATAAN TRANSIT

CISCO LINES

DAGUPAN BUS LINES

FIRST LUZON

FIVE STAR

HERNANDEZ

HOUSE COMMITTEE

ROXAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with