^

Bansa

Magarbong b-day ni Dolphy pinaghahandaan

- Danilo Garcia - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Dahil sa patuloy na pagbuti ng kalagayan ni Comedy King Rodolfo “Dolphy” Quizon, magkakaroon na ng rason ang pamilya Quizon sa pagsasagawa ng magarbong selebrasyon ng kaarawan nito sa dara­ting na Hulyo 25.

“If he goes back home, magkakaroon na kami ng rason to celebrate.  Nasa 26 days na lang magbi-birthday na siya, I think we will do something for his birthday,” ani Eric Quizon, tagapagsalita ng kanilang pamilya.

Ngunit sinabi ni Eric na kung mangyayari man ito, magiging sobrang ingat nila sa kanilang ama lalo na sa paglapit ng mga bisi­ta dahil sa karaniwan na kapag nagkakaroon sila ng malaking selebrasyon saka ito nagkakasakit dahil sa sari-saring “virus”.

Ibinalita rin ni Eric na magiging permanente na ang paghinga ng ama sa pamamagitan ng leeg dahil sa kanyang “tracheostomy” dahil sa hindi na talaga kaya ng kanyang baga dulot ng sakit na COPD (chronic obstructive pulmonary disease).

Maaari naman uma­nong kabitan ito ng isang uri ng gadget upang maintindihan nila ng bahagya ang mga sinasabi ng ama dahil halos puro hangin ang nasasambit nito. 

Sa kasalukuyan, maluwag na umano ang pakiramdam ngayon ng buong pamilya Quizon dahil sa patuloy na paggaling ng ama. Nagagawa na rin umano ni Dolphy ngayon na makipagbiruan sa mga kapamilya at maging sa mga nurse kung saan dumila pa ito o nag-“belat” na paborito nitong ekspres­yon.  

vuukle comment

COMEDY KING RODOLFO

DAHIL

DOLPHY

ERIC QUIZON

HULYO

IBINALITA

MAAARI

NAGAGAWA

NGUNIT

QUIZON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with