Senado posibleng lumipat sa UP Diliman
MANILA, Philippines - Pinag-aaralan na ng Senado ang posibilidad na lumipat at magtayo ng sariling gusali sa UP Diliman sa Quezon City.
Ayon kina Sens. Francis Escudero at Antonio Trillanes, panahon na talaga na maghanap ang Senado ng lugar na maaaring pagtayuan ng kanilang magiging sariling gusali upang hindi na umupa sa GSIS.
Sayang umano ang napakalaking renta na kanilang binabayaran sa GSIS na umaabot sa P110 milyon kada taon.
Ani Trillanes, kung magkakaroon ng sariling building ang Senado, mas malaking halaga ang matitipid. Sinabi naman ni Honasan na ang pag-aaral sa maaring lipatan ng Senado ay dapat na ibatay sa long term government center development plan kung saan nakasaad na ang orihinal na tahanan ng Senado ay sa Batasan complex sa Quezon City.
Noong nakaraang Kongreso ay nagbalak din ang Senado na maghanap ng malilipatan pero hindi naman ito natuloy.
- Latest
- Trending