^

Bansa

Koko handing ampunin ng LP

Nina Rudy Andal at Gemma Garcia - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Nakahanda ang Liberal Party (LP) na tanggapin si Sen. Koko Pimentel sa kanilang senatorial line-up matapos magdesisyon itong umalis sa United Nationalist Alliance (UNA) kamakalawa.

Sinabi ni Budget Sec. Butch Abad, secretary-general ng LP, sa sanda­ling pumayag si Pimentel na mapabilang sa tiket ng administrasyon ay makakasama nito ang 14 pang pinagpipi­lian ng LP para sa senatorial line-up sa 2013 elections.

Subalit ayon sa isang opisyal ng partido na tumangging magpakilala, kasama sa mga pinagpipilian ang pinsan ni Pa­ngulong Aquino na si Bam Aquino, dating chairman ng National Youth commission at anak ni Paul Aquino, kapatid ni dating Sen. Benigno Ninoy Aquino Jr.

Kasama rin sa mga ikinukunsidera sina Tesda Director-General Joel Villanueva, Aurora Rep. Sonny Angara, dating Akbayan Rep. Risa Hontiveros, Sen. Antonio Trillanes, Sen. Alan Peter Cayetano, dating Las Piñas City Rep. Cynthia Villar, dating Surigao del Norte Gov. Robert Ace Barbers, Sen. Chiz Escudero, Sen. Loren Legarda, Customs Commissioner Ruffy Biazon, Sen. Ramon Magsaysay, Deputy Speaker at Quezon Rep. Lorenzo “Erin” Tañada at MTRCB chairperson Grace Poe-Llamanzares

Dalawa umano sa naturang pangalan ang tatanggalin subalit depende pa rin umano sa magiging desisyon ng liderato.

Nabatid na 13 ang iha­­handang listahan ng LP dahil sa napipintong pagbibitiw ni Sen. Miriam Defensor-Santiago na mapapabilang na sa International Criminal Court.  

AKBAYAN REP

ALAN PETER CAYETANO

ANTONIO TRILLANES

AURORA REP

BAM AQUINO

BENIGNO NINOY AQUINO JR.

BUDGET SEC

BUTCH ABAD

CHIZ ESCUDERO

CITY REP

SEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with