Fixed salary sa bus drivers sa Hulyo 1 na
MANILA, Philippines - Simula na sa Hulyo 1 ng taong ito ang minimum na sahod ng mga driver ng bus sa bansa.
Sa ngayon nasa 35 bus company ang nakapag-submit na ng certificate of compliance sa DOLE para sa implementasyon ng fixed salary.
Sa kautusan ng DOLE, magiging minimum wage na ang sahod ng mga driver at konduktor at hindi na porsyentuhan para hindi na naghahabol ang mga ito ng quota.
Ito kasi ang tinuturong dahilan ng mga aksidente at tambak na kaso ng violation sa batas trapiko na nagdudulot naman ng pagsikip ng mga lansangan.
Umalma naman ang ilang bus operators dahil posible anilang tamarin sa pagkuha ng mga pasahero ang mga driver at konduktor na magdudulot ng pagliit ng kanilang kita.
Ayon kay Atty. Grace Adducul ng Metro Bus Transport Club, kaya nag-aagawan sa pasahero ang mga bus driver ay dahil masyadong maraming bus sa isang ruta.
Subalit nanindigan ang DOLE na dapat nang ipatupad ang fixed salary rate para na rin sa pagkakaroon ng security of tenure ng mga driver at kundoktor. (Doris Franche-Borja/Angie dela Cruz)
- Latest
- Trending