MANILA, Philippines - Walang working permit at tourist visa lamang ang dala ni Arab television reporter Baker Abdula Atyani ng dumating ito sa Pilipinas at magtungo sa lalawigan ng Sulu para mag-interbyu ng lider ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG).
Ito ang ibinulgar kahapon ni Interior and Local Government Secretary Jesse Robrero na sinabing malinaw ang status ni Atyani na tourist visa lamang ang dala nito kaya hindi nito dapat pinalawig pa ang pagtatrabaho at pananatili bilang mediaman sa Sulu.
Tumanggi naman si Robredo magbigay ng detalye sa kasalukuyang kalagayan ni Atyani dahilan sa magkakasalungat na pahayag ng mga opisyal ng pamahalaan sa status nito sa kamay ng Abu Sayyaf.
“Shut up na muna ako dyan, isipin na lang natin muna ang safety nila,” ani Robredo na nauna nang nagkumpirma na tinuluyang bihagin ng Abu si Atyani at dalawang crew nitong sina Rolando Letrero at Ramil Vela na umano’y pinaghiwalay pa ng lugar ng kanilang mga abductors.