^

Bansa

Atyani walang working permit

- Joy Cantos - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Walang working permit at tourist visa lamang ang dala ni Arab television reporter Baker Abdula Atyani ng dumating ito sa Pilipinas at magtungo sa lalawigan ng Sulu para mag-interbyu ng lider ng mga bandidong Abu Say­yaf Group (ASG).

Ito ang ibinulgar kahapon ni Interior and Local Government Secretary Jesse Robrero na sinabing malinaw ang status ni Atyani na tourist visa lamang ang dala nito kaya hindi nito dapat pinalawig pa ang pagtatrabaho at pananatili bilang mediaman sa Sulu.

Tumanggi naman si Robredo magbigay ng detalye sa kasalukuyang kalagayan ni Atyani dahilan sa magkakasalungat na pahayag ng mga opisyal ng pamahalaan sa status nito sa kamay ng Abu Sayyaf.

“Shut up na muna ako dyan, isipin na lang natin muna ang safety nila,” ani Robredo na nauna nang nagkumpirma na tinulu­yang bihagin ng Abu si Atyani at dalawang crew nitong sina Rolando Letrero at Ramil Vela na umano’y pinaghiwalay pa ng lugar ng kanilang mga abductors.

ABU SAY

ABU SAYYAF

ATYANI

BAKER ABDULA ATYANI

PILIPINAS

RAMIL VELA

ROBREDO

ROLANDO LETRERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with