^

Bansa

Pag-award ng 489 prangkisa ng bus pinabubusisi sa Kamara

- Butch M. Quejada - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Pinaiimbestigahan sa Kamara ang maanomalya umanong pagbibigay ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng expired franchise ng Pantranco North Express Inc., sa grupo ng inter-related bus companies na pagmamay-ari ng iisang pamilya.

Inihain ni AGHAM Rep. Angelo Palmones ang House Resolution 2517 upang makapag-imbestiga ang House committee on transportation dahil hindi umano ‘matuwid na daan’ ang ginawa ng LTFRB.

Ibinigay ng LTFRB sa limang bus companies ang prangkisa ng Pantranco para sa operasyon ng 489 bus.

Punto ni Palmones, noong pang 2003 “legally dead” ang prangkisa kaya kaduda-duda ang pagbuhay dito pabor sa limang bus companies na malinaw umanong kabaliktaran ng desisyon ng Department of Transportation and Communication “that the lines had expired and can neither be sold or transferred to other parties.”

Nauna rito ay inaprubahan ni Atty. Jaime Jacob, chairman ng LTFRB, ang pagbuhay ng 489 bus franchise.

Ang limang bus companies na naghati-hati sa prangkisa ay pagmamay-ari ng pamilya Hernandez, na siyang pinakamalaking bus operator sa Luzon.

Naghain ng reklamo ang ibang bus companies sa DOTC upang mapigilan ang pagbuhay ng prangkisa.

Kasunod ng tinanggap na reklamo ay iniutos ni DOTC Secretary Mar Roxas na imbestigahan ang nasabing sumbong.

ANGELO PALMONES

BUS

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATION

HERNANDEZ

HOUSE RESOLUTION

IBINIGAY

JAIME JACOB

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

MAR ROXAS

PANTRANCO NORTH EXPRESS INC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with