Inaprub na sin tax magpapalala ng unemployment?
MANILA, Philippines - Nagbabala si Anakpawis Rep. Rafael Mariano na ang pagtaas ng buwis ng tabako ay maaari umanong magpalala sa unemployment problem ng gobyerno hindi lamang para sa tobacco industry kundi maging sa mga sector at industriya na nakadepende dito.
Ayon kay Rep. Mariano, maituturing umano na panggigipit o regressive ang inaprubahang panukala sa pag-aakalang ito ang paraan upang madagdagan ang pondo para sa universal health program ng Aquino government sa pamamagitan ng Department of Finance (DOF).
Bukod dito, ang pangunahing layunin lamang umano ng six tax ay makaipon ng mas malaking pondo at hindi ang problema na may kaugnayan sa pang kalusugan sa paggamit ng sigarilyo at alak.
Para naman kay Bayan Muna Rep. Neri Colmenares, hindi tugon ang pagpapataw ng dagdag buwis kungdi magdudulot aniya ito ng paglala ng smuggling sa sigarilyo gaya ng naganap sa Singapore, Malaysia at United Kingdom.
- Latest
- Trending