^

Bansa

Santiago, Drilon nominado sa CJ

- Doris Franche-Borja - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Nadagdag sa listahan ng Judicial and Bar Council (JBC) sa mga nominado sa pagiging Chief Justice ng Korte Suprema sina Senator Miriam Defensor–Santiago, Franklin Drilon at dating Ombudsman Simeon Marcelo.

Noong 2006, ang senadora ay inirekomenda ng isang grupo ng mga kabataang abogado sa nabanggit na posisyon bilang kapalit ni CJ Artemio Panganiban ngunit hindi siya napabilang sa short list ng mga kandidato.

Si Santiago ay inirekomenda ngayon sa JBC ng isang Victor del Rosario mula Biliran.

Si dating Ombudsman Marcelo naman ay unang na-nominate noong 2010 para humalili sana sa nag­retirong si Chief Justice Reynato Puno.

Ito naman ang kauna-unang pagkakataon na inirekomenda si Sen. Frank Drilon, kilalang kaalyado ni Pangulong Noynoy Aquino, para sa pinakamataas na puwesto sa sangay ng hudikatura.

Sa kasalukuyan, 60 na ang nominee at mga aspirante bilang Chief Justice, 1 rito ay tumanggap na ng nominasyon.

ARTEMIO PANGANIBAN

CHIEF JUSTICE

CHIEF JUSTICE REYNATO PUNO

DRILON

JUDICIAL AND BAR COUNCIL

KORTE SUPREMA

OMBUDSMAN MARCELO

OMBUDSMAN SIMEON MARCELO

PANGULONG NOYNOY AQUINO

SENATOR MIRIAM DEFENSOR

SI SANTIAGO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with