PNoy 'bagsak' ang grado sa mga guro
MANILA, Philippines - Muling binigyan ng gradong “bagsak” ng mga gurong miyembro ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) si Pangulong Aquino habang papalapit ang ikalawang taon ng termino nito sa Hunyo 30 at pagdiriwang ng grupo sa ika-30 taon nilang anibersaryo.
Nagsagawa kahapon ng kilos-protesta sa Mendiola Bridge ang mga miyembro ng ACT kung saan tinuligsa ang Pangulo sa kawalan ng oras umano sa mga guro makaraang tanggihan ang hiling nilang dayalogo dito upang personal na maidaing ang mga problemang kinakaharap nila sa edukasyon lalo na sa pagpapatupad ng K to 12 Program.
“With this development, President Aquino’s “FAILED “mark on his Report Card from the “University of the People” stays,” ayon kay France Castro, secretary-general ng ACT.
Kabilang sa dahilan ng bagsak na grado ang paglalaan ng pamahalaan ng $1 bilyon para ipautang sa International Monetary Fund (IMF) sa kabila ng paghihirap ng bansa lalo na sa edukasyon, pagpapatuloy sa K to 12 Program kahit na hindi handa ang bilang ng mga guro at imprastruktura at Kindergarten Program nang walang sapat na guro.
- Latest
- Trending