Chinese ships umalis na sa Panatag Shoal
MANILA, Philippines - Inaasahang tuluyan nang huhupa ang tensyon sa Scarborough o Panatag Shoal matapos na umalis ang mga barko ng China sa lagoon ng Bajo de Masinloc sa West Philippine Sea.
Kinumpirma kahapon ng Department of Foreign Affairs (DFA) na tuluyan nang umalis ang mga Chinese government ships at fishing vessels sa loob ng Panatag Shoal.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario, nakatanggap siya ng report na umalis na rin sa shoal ang grupo ng mga Tsinong mangingisda kasunod ng pag-alis ng dalawang barko ng Pilipinas dahil sa sama ng panahon ng nakalipas na linggo.
Sinasabing pinapayagan na rin ng Chinese Ministry ang fishing operation sa lugar bagama’t may ipinatutupad na mahigit dalawang buwan na fishing moratorium sa South China Sea kabilang ang Huangyan islands.
- Latest
- Trending