MANILA, Philippines - Pinuri ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri ang mga estud-yante na nagmula sa 204 day care center sa buong lungsod na nagtapos na bahagi pa rin ng Millenium Development Goal (MDG 1) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ng lokal na pamahaalan.
Ayon kay Echiverri, noong Huwebes (June 21) ay pormal na nagtapos ang 18,463 estudyante kasa-bay ng kanilang pag tata- pos sa feeding pro gram na bahagi ng programa na naglalayong mailayo ang mga kabataan sa malnutrisyon.
Sa pamamagitan ng programang ito ay araw-araw na pinakakain ng mga social workers ang mga estudiyante na pumapasok sa mga day care center nang sa gayon ay maalagaan ang katawan ng mga batang estudyante.
Sinabi pa ng alkalde, isang magandang programa ang pagpapakain ng masustansyang pag- kain sa mga kabataang ito dahil nagiging masipag sa pag-aaral ang bawat isa dahil na rin sa suportang ibinibigay ng lokal na pamahalaan.
Base sa talaan ng City Social Welfare and Deve-lopment (CSWD) ng Ca loocan, inaasahan sana na ang susunod na feeding program ay magaganap sa darating na buwan ng Hulyo ngunit dahil sa makaba-gong programang K+12 ng Department of Education (DepEd) ay nagkaroon ng late enrollees ang lahat ng day care center sa buong lungsod matapos na hindi mapunan ang kakulangan sa guro at mga silid-aralan para sa mga kindergarten students na nasa edad 5.