Baywalk pinaliwanag, ligtas pasyalan - Lim
MANILA, Philippines - Tiniyak ni Manila Ma yor Alfredo Lim na magiging ligtas na ang pamamasyal ng publiko sa kahabaan ng Baywalk sa Roxas Blvd. matapos na ilagay ang bagong teknolohiya sa pagpapailaw sa lungsod.
Ayon kay Lim, malawak ang sakop ng ilaw na inilagay sa kabahaan ng Baywalk na mula sa Manila Yacht Club hanggang sa US Embassy kung saan tatagal ang warranty ng ilaw mula pito hanggang 10 taon.
Kasama ni Lim sina city electrician Engr. Ernesto Cuyugan, city en gineer Armand Andres, Incheon Metropolitan City international adviser Rev. Dr. Jeon Dae Gu, Easy Led Corp., Philippines president Youn Man Young at vice president David Park at ilang city officials sa pangunguna ni chief of staff at media bureau chief Ric de Guzman.
Sinabi ni Lim, na hindi na matatakot pa ang mga namamasyal na magtagal sa lugar at tanawin ang paglubog ng araw at mag kuwentuhan sa tabing dagat dahil bukod sa maliwanag na lugar, may mga pulis din na mula MPD Station 5 at Station 9 ang magbabantay sa lugar .
Bukod dito, malaki din ang matitipid ng city government sa bayarin sa kuryente, dahil matipid lamang ang LED lights na ginagamit na rin sa ibang bansa tulad ng California, Chicago at New York, sa US.
Nabatid na susunod na ilalagay ang LED lights sa Ramon Magsaysay Boulevard, Tayuman, C.M. Recto Avenue, A. Mabini, Juan Luna at M.H. Del Pilar.
- Latest
- Trending