'Hard work', disiplina ituturo sa public schools
MANILA, Philippines - Ituturo na rin sa mga pampublikong paaralan ang kahalagahan ng ‘hard work’ at disiplina.
Inaasahan ng Department of Education (DepEd) na mahigit sa 80,000 estudyante at 5,000 guro mula sa mga piling paaralan sa National Capital Region, Region 3, Region 4, Region 7 at Region 11 ang makikinabang mula sa advocacy program na nagtuturo sa mga estudyante ng kahalagahan ng hard work at disiplina sa ilang piling pampublikong paaralan sa bansa.
Ang naturang programa ay inilunsad ng DepEd katuwang ang Fortune Life Insurance Co., Inc..
Layunin umano ng naturang advocacy program na mapalawak ang kaalaman ng mga kabataan hinggil sa kahalagahan ng pag-iimpok, disiplina at maitanim sa kanila ang practice of hard work sa araw-araw na buhay.
Ayon kay DepEd Secretary Armin Luistro, kailangang palakasin ng mga paaralan ang pagtuturo sa mga bata ng mga bagay na dapat unang natutunan ng mga ito sa kanilang mga tahanan.
Sa ilalim ng proyekto, magbibigay ng mga workbooks sa mga mag-aaral at teaching guides naman para sa mga guro.
- Latest
- Trending