^

Bansa

Dolphy muling isinailalim sa dialysis

- Danilo Garcia - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Muling isinailalim sa dialysis si Comedy King Rodolfo “Dolphy” Quizon sa Makati Medical Center makaraang bahagyang gumanda ang “vital signs” nito.

Kinumpirma ni Eric Quizon, tagapagsalita ng pamilya, na dakong alas-8:30 ng umaga isinailalim sa naturang medical procedure ang ama na kinakaya naman umano nito.

Matatandaang itinigil nitong nakaraang Sabado ang naka-iskedyul na pa­ngalawang dialysis kay Dolphy matapos na mu­ling bumagsak ang vital signs nito kasabay ng pagtama ng panibagong kaso ng pneumonia.

Nananatili pa rin umano ang pneumonia sa magkabilang baga nito na ginagamot ng mga doktor sa pamamagitan ng pagbibigay ng antibiotics. Ito umano ang labis na nagpapahirap sa paghinga sa kanyang ama at nagpapahina sa katawan nito.

Ayon pa kay Eric, naniniwala siyang malaki ang naidulot ng pagdating ng dalawa sa kaniyang mga kapatid na sina Mariquit at Manny Boy sa bahagyang pagbuti ng lagay ng kanilang ama.

Patuloy din ang pasasalamat ng buong pamil­ya Quizon sa patuloy na pagdarasal ng mga tao para sa agarang pagbuti ng kalusugan ng Hari ng Komedya.

vuukle comment

AYON

COMEDY KING RODOLFO

DOLPHY

ERIC QUIZON

HARI

KINUMPIRMA

MAKATI MEDICAL CENTER

MANNY BOY

QUIZON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with