Palabunutan sa partylist itutuloy
MANILA, Philippines - Sa kabila ng pagtutol ng ilang kongresista, desidido ang Commission on Elections (Comelec) na ituloy ang kanilang desisyon na hindi na alphabetical ang mga partylist sa balota para sa 2013 elections.
Sa Resolution No. 9467 ng poll body, ira-raffle ang mga pangalan ng partylist groups upang tukuyin ang order of listing sa official ballots para sa susunod na eleksyon.
Nauna rito, tinutulan ng partylist House members ang plano ng Comelec dahil nakalilito umano ito at nakapagpapahaba ng voting time.
Giit nila, hindi rin convenient para sa mga matatanda at may vision-impaired na botante kung hindi alphabetical ang listahan.
Sa mga nakalipas na halalan, alphabetical ang listahan sa balota ng pangalan ng mga party-list groups na tumatakbo sa eleksiyon kaya’t pumipili ang mga kandidato ng pangalang nagsisimula sa letrang A o numero 1 upang mauna sa listahan.
- Latest
- Trending