^

Bansa

Nominado na close kay PNoy, CGMA pinaaatras sa pagka-CJ

- Gemma Amargo-Garcia - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Hinamon ng Kamara na bawiin ng malalapit kay Pangulong Noynoy Aquino at dating Pangulong Gloria Arroyo ang nominasyon para sa susunod na Punong Mahistrado ng Korte Suprema upang masiguro ang independence ng Korte Suprema.

Ayon kay House Majority leader Neptali Gonzales II, kung babawiin umano ang nominasyon ng kilalang malalapit sa dalawang nabanggit na lider na  nasa shortlist ng Judicial and Bar Council (JBC) ay makakatulong upang masiguro ang independence ng Hudi­katura.

Giit ni Gonzales, dapat na boluntaryong bawiin ng malalapit kay Aquino at Arroyo at hindi na sumali pa sa selection process  para na rin sa kapakanan ng bansa at masiguro ang kalayaan ng Korte Suprema mula sa Ehekutibo at sa impluwensya ng mga pulitiko at iba pang partido.

Partikular na tinukoy ng mambabatas si Acting Chief Justice Antonio Carpio na hindi dapat itinalaga dahil nagbibigay lamang umano ito ng kumpirmasyon sa testimonya ni dating Chief Justice Renato Corona na inalis siya sa puwesto upang bigyan daan ang posis­yon para kay Carpio kayat dapat itong maalis sa listahan ng JBC.

Bukod dito, hamon din umano ito sa Pangulong Aquino na hindi dapat magtalaga ng Chief Justice na malapit sa kanya kundi dahil sa kwalipikado ito.

Kabilang naman sa mga tumanggap na nominasyon sina SC Associate Justices Arturo Brion and Roberto Abad, La Salle Law School founding Dean Jose Manuel Diokno, Comelec Commissioner Rene Sarmiento, retired Judge Manuel Siyangco Jr., former­ Ateneo Law School Dean Cesar Villanueva, former Executive Secretary Ronaldo Zamora at iba pa.

vuukle comment

ACTING CHIEF JUSTICE ANTONIO CARPIO

ASSOCIATE JUSTICES ARTURO BRION AND ROBERTO ABAD

ATENEO LAW SCHOOL DEAN CESAR VILLANUEVA

CHIEF JUSTICE

CHIEF JUSTICE RENATO CORONA

COMELEC COMMISSIONER RENE SARMIENTO

DEAN JOSE MANUEL DIOKNO

HOUSE MAJORITY

JUDGE MANUEL SIYANGCO JR.

JUDICIAL AND BAR COUNCIL

KORTE SUPREMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with