World community bumilib kay PNoy sa peace & security
MANILA, Philippines - Umani ng papuri si Pangulong Noynoy Aquino hindi lamang sa taumbayan kundi maging sa international community dahil sa patuloy na kampanya ng pamahalaan para magkaroon ng kapayapaan at seguridad sa bansa.
Ito ang inihayag ni Presidential Adviser on the Peace Process Secretary Teresita Quintos Deles kahapon base sa nagdaang pag-aaral na isinagawa ng Institute for Economics and Peace at ng Ulat ng Bayan ng Pulse Asia hingil sa tumitinding peace efforts ng administrasyong Aquino sa ngayon.
Batay sa 2012 Global Peace Index ng Institute for Economics and Peace, nag-top five ang Pilipinas sa hanay ng mga bansa na kinilalang may pinaka malaking pagbabago sa pagkakaroon ng kapayapaan sa bansa.
Sa resulta naman ng survey ng Pulse Asia’s Ulat ng Bayan ay umani ng high approval ratings ang pamahalaang Aquino sa ginagawang mga programa nito para makamit ang kapayapaan sa bansa.
Ang Pulse Asia’s Ulat ng Bayan National Survey ay naisagawa nitong Mayo 20-26, 2012 na nagpapakita na 50 percent ng respondents nito ay nagsasabing sila ay kampante at aprubado nila ang ginagawang hakbang ni Pangulong Aquino sa pagpapamalas ng kapayapaan sa bansa.
“Similar to other governance reforms being implemented under this administration, President Aquino’s continuing efforts on peace and security are already being felt and recognized not just by our people, but also by the international community,” pahayag ni Deles.
“These will further raise the public’s hopes for a just and lasting peace,” dagdag nito.
Naibuslo ng Pilipinas ang mataas na score sa 2012 Global Peace Index batay sa resulta ng na ipamalas na pagbaba ng homicide rate, bilang ng nasawi sa mula sa internal conflict, likelihood ng violent demonstrations, at mga insidente ng terrorist acts.
- Latest
- Trending