NBI, police clearance ililibre na sa mahihirap
MANILA, Philippines - Posibleng maging libre na sa mga mahihirap ang pagkuha ng mga clearance sa mga ahensiya ng gobyerno.
Kapag naaprubahan ang House Bill 6178 ni Davao del Norte Rep. Anthony del Rosario, partikular na makakatulong ang panukala sa mga mahihirap na naghahanap ng trabaho.
Paliwanag ni Del Rosario, maraming mahihirap ang gustong maghanap ng trabaho subalit walang pang-proseso ng papeles dahil sa pagkuha pa lamang umano ng clearances ay marami na ang kailangang bayaran.
Kung maging batas umano ang panukala, magiging libre na para sa mahihirap ang pagkuha ng NBI at police clearance, maging medical certificates sa mga pampublikong ospital, clinics at health centers.
Ang lalabag ay maaring makulong at pagmumultahin ng hanggang P50,000.
Sinumang mahuhuling nagkukunwari na mahirap upang makalibre sa bayarin sa clearance o certificate ay maari din makulong ng hanggang isang taon at pagmumultahin ng hanggang P10,000.
- Latest
- Trending