MANILA, Philippines - Dapat umanong siguruhin ng Bureau of Customs na hindi makakapasok sa bansa ang mga gatas na kontaminado ng mercury mula sa China.
Ayon sa EcoWaste Coalition, isang non-governmental organization, siguradong magkakaroon ng masamang epekto sa kalusugan ng mga bata kung maiinom nila ang kontaminadong gatas.
Noong nakaraang linggo ay binawi ng Yili Industrial Group, isang malaking dairy company sa China, ang kanilang gatas na Quanyou na ginawa mula Nobyembre 2011 hanggang Mayo 12.
Sinabi naman ni Ines Fernandes, miyembro ng breastfeeding advocate na Arugaan na dapat pag-ibayuhin ng gobyerno ang kampanya para sa pagpapasuso.
Ang mercury ay nakakaapekto sa utak at nakapagdudulot ng hindi na magagamot na problema sa nervous system at bato.