^

Bansa

Gatas mula China pinababantayan

- Butch M. Quejada - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Dapat umanong siguruhin ng Bureau of Customs na hindi makakapasok sa bansa ang mga gatas na kontaminado ng mercury mula sa China.

Ayon sa EcoWaste Coalition, isang non-go­vernmental organization, siguradong magkakaroon ng masamang epekto sa kalusugan ng mga bata kung maiinom nila ang kontaminadong gatas.

Noong nakaraang linggo ay binawi ng Yili Industrial Group, isang malaking dairy company sa China, ang kanilang gatas na Quanyou na ginawa mula Nobyembre 2011 hanggang Mayo 12.

Sinabi naman ni Ines Fernandes, miyembro ng breastfeeding advo­cate na Arugaan na da­pat pag-ibayuhin ng gob­yerno ang kampanya para sa pagpapasuso.

Ang mercury ay nakakaapekto sa utak at nakapagdudulot ng hindi na magagamot na problema sa nervous system at bato.

ARUGAAN

AYON

BUREAU OF CUSTOMS

DAPAT

INES FERNANDES

NOBYEMBRE

NOONG

QUANYOU

YILI INDUSTRIAL GROUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with