^

Bansa

House bill vs religious rites sa gov't offices haharangin

- Butch M. Quejada - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Haharangin ni Parañaque Rep. Roilo Golez ang ‘ban God’ bill na inihain kamakailan sa Kamara ng kapwa niya kongresista na naglalayon ipagbawal ang pagdaraos ng religious ceremonies at paglalagay ng religious symbol sa mga ahensya ng gobyerno.

Sinabi ni Golez na paglabag umano sa Konstitusyon ang panukala ni Kabataan Rep. Raymond Palatino.

Sinabi ni Golez, maging sa sesyon ng Kongreso ay nagsisimula sa pagdarasal matapos ang pagpapatugtog ng Lupang Hinirang at gayundin aniya sa mga ahensiya ng gobyerno.

Sa House bill 6330 ni Palatino, ipagbabawal na ang paglalagay ng krus, santo at maging bibliya sa alinmang ahensya ng gobyerno.

Sinabi ni Palatino na wala dapat binibigyan ng pabor na relihiyon ang gobyerno kaya dapat ipagbawal ang pagdaraos ng religious ceremonies at paglalagay ng religious symbol sa mga ahensya nito.

Maging ang pagdarasal bago ang isang pagpupulong o pagdinig ng korte o pagkatapos ng flag ceremony ay nais ring ipagbawal ni Palatino.

vuukle comment

GOLEZ

HAHARANGIN

KABATAAN REP

KAMARA

LUPANG HINIRANG

PALATINO

RAYMOND PALATINO

ROILO GOLEZ

SA HOUSE

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with