^

Bansa

Kapitolyo ng Bulacan may P20-M utang sa Meralco? Ni Butch Quejada

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Posibleng madiskaril ang serbisyo sa apat na mahahalagang opisina sa kapitolyo ng Malolos, Bulacan dahil umano sa pagkakautang nito ng P20 milyon sa kuryente para sa mga buwan ng Pebrero hanggang Mayo ng taong kasalukuyan.

Ang mga opisina na lubhang maaapektuhan ay ang mga sangay ng Red Cross, Commission on Audit, Civil Service Commission at ang provincial jail.

Pinadalhan na ng disconnection notice ng Meralco ang kapitolyo pero ng magfollow-up si Gng. Lorenza Reyes ng Malolos office ng Meralco ay para sa buwan lamang umano ng Pebrero ang ibabayad ng kapitolyo.

Ikinagulat naman ng mga residente kung bakit umabot na sa P20 milyon ang utang ng kapitolyo sa Meralco ga­yong tuluy-tuloy naman daw ang koleksiyon ng buwis.

May kaukulang budget umano ang kapitolyo para sa kuryente na umaabot sa P70 milyon taon-taon.

BULACAN

CIVIL SERVICE COMMISSION

GNG

IKINAGULAT

LORENZA REYES

MALOLOS

MERALCO

PEBRERO

PINADALHAN

RED CROSS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with