MANILA, Philippines - Hindi pa nagsisimula ang pag-iinterview at pagsala sa mga aplikante at nominado para sa susundo na chief justice, ipinahiwatig na kahapon ni Sen. Francis Escudero na malabong makapasa bilang susunod na CJ si dating Judge Florentino Floro na aminadong kumokonsulta sa mga duwende sa pagpapalabas ng desisyon.
Ayon kay Escudero na kasapi ng Judicial Bar Council (JBC), bagaman at walang sinumang maaaring pumigil sa mga nagnanais magsumite ng kanilang aplikasyon bilang chief justice, malamang na ikonsidera ng JBC ang unang desisyon kay Floro kung saan na-disqualify ito bilang Sandiganbayan justice.
Naging kontrobersiyal si Floro matapos masuspinde bilang judge noong 2006 dahil sa pag-amin na sumasangguni siya sa duwende.
Bilang miyembro ng JBC sinabi ni Escudero na gagawin niyang criteria sa pagpili sa susunod na CJ ang pagiging tapat sa Konstitusyon ng isang aplikante o nominado at hind sa isang tao o political party.