^

Bansa

Nominasyon sa CJ pinalawig ng JBC

- Ludy Bermudo - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Sa halip na isara na kahapon ang pagpasok ng nominasyon at aplikasyon sa posisyon ng chief justice ng Korte Suprema, pinalawig pa ito ng dalawang linggo o hanggang sa Hulyo 2, upang bigyang-daan ang iba pang kandidato, ayon sa Judicial and Bar Council (JBC).

Sinabi ni JBC member Jose Mejia, sa kasalukuyan ay nakatanggap na ng 38 nominasyon para sa nasabing posisyon.

Kabilang sa awtomatikong nominado ang limang pinaka-senior Justices na sina acting Chief Justice Antonio Carpio, Associate Justices Presbitero Velasco Jr, Teresita Leonardo-de Castro, Arturo Brion, at Diosdado Peralta.

Sa 38 nominasyon, dalawa ang nadiskuwalipika dahil ang isa ay nurse at hindi abogado na si Jocelyn Esquivel at dating Court of Appeals (CA) Associate Justice Hilarion Aquino dahil sa pagiging 80-anyos na nito.

Samantala, aprubado na ng JBC ang mungkahing live media coverage sa pagpili sa susunod na punong mahistrado.  

ARTURO BRION

ASSOCIATE JUSTICE HILARION AQUINO

ASSOCIATE JUSTICES PRESBITERO VELASCO JR

CHIEF JUSTICE ANTONIO CARPIO

COURT OF APPEALS

DIOSDADO PERALTA

JOCELYN ESQUIVEL

JOSE MEJIA

JUDICIAL AND BAR COUNCIL

KORTE SUPREMA

TERESITA LEONARDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with