Gobyerno at CPP-NDF babalik sa negotiating table

MANILA, Philippines - Inaasahang magbabalik na ang pormal na usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at Communist Party of the Philippines-National Democratic Front (CPP-NDF).

Ito ay matapos na magkasundo ang magkabilang panig na ituloy ang dayalogo sa nakalipas na pag-uusap sa Oslo,Norway nitong nakaraang Hunyo 14 at 15 na nagsilbing third party facilitator dito ang Royal Norwegian government.

Sa pahayag ng CPP-NDF, iginigiit nito sa government peace panel ang pagpapalaya sa 356 political prisoners at 14 na tauhan at consultants ng NDF.

Gayundin, ang pagrespeto sa mga dati ng bilateral agreements ng dalawang panel at pagsunod sa joint agreement on safety and immunity guarantees (JASIG).

Hiniling din ng NDF na alisin ang terrorist tag sa New People’s Army at kay Jose Maria Sison at magkaroon ng independent investigation sa pagpatay sa NDF consultant na si Sotero Llamas at iba pa nilang consultants.

Kung masusunod umano ang mga demands na ito ng CPP-NDF, maaaring mabuksan muli ang pinto sa negosasyon sa pagitan nito at gobyerno.  

Show comments