Butchoy paalis na, bagong bagyo paparating
MANILA, Philippines - Palabas na ng bansa ang bagyong Butchoy pero may isa pang bagyo na nagbabantang pumasok sa area of responsibility ngayong linggo.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), inaasahan ang paglabas na sa bansa ni Butchoy pero may bagong namumuong sama ng panahon at kapag naging ganap na bagyo, ito ay tatawaging Carina na may international name na Talim.
Si Carina o Talim ay nasa West Philippine Sea ngayon at nagbabantang pumasok sa Philippine area of responsibility ngayong linggo.
Kahapon, ganap na alas-11:00 ng umaga, si Butchoy ay namataan sa layong 580 kilometro ng hilagang silangan ng Basco, Batanes taglay ang lakas ng hanging 160 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin hanggang 195 kilometro bawat oras.
Ngayong Martes, si Butchoy ay inaasahang nasa layong 1,030 kilometro ng hilagang silangan ng Basco, Batanes o nasa layong 290 kilometro silangan hilagang silangan ng Okinawa, Japan.
- Latest
- Trending