Robredo handang lisanin ang DILG

Manila, Philippines -  Hindi magkakapit-tuko at handa si Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo na lisanin ang kaniyang departamento sa gitna ng mga ugong na plano umanong ilagay ni Pa­ngulong Aquino sa nasabing ahensiya si Sen. Panfilo Lacson kapag nagtapos na ang huling termino ng huli bilang mambabatas.

Sa panayam ng PNP Press Corps, ikinatwiran ni Robredo na alam niya na bilang isang miyembro ng gabinete, itinuturing niyang casual employee lamang ang kanilang status na maaaring palitan sa oras na naisin ng punong ehekutibo.

“I serve under the pleasure of the President,” ani Robredo.

Naging matunog ang pangalan ni Lacson na dating PNP Chief na posibleng ipalit kay Robredo.

Show comments