Manila, Philippines - Nananatili sa kanyang lakas ang bagyong Butchoy habang tinatahak ang direksyon ng hilaga hilagang kanluran sa bilis na 15 kilometro bawat oras na magdadala ng pag-ulan sa Luzon.
Ayon sa PAGASA, taglay ni Butchoy ang lakas ng hanging 120 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso hanggang 150 km bawat oras.
Alas-2 ng hapon kahapon si Bucthoy ay namataan sa layong 470 km silangan hilagang silangan ng Borongan, Eastern Samar.
Ang Luzon ay makararanas ng kalat kalat na pag-ulan at ang silangan Bisaya ay magiging maulap na magdadala ng pag-ulan, pagkulog at pagkidlat na maaaring magdala ng flashfloods at landslides.